Mga senador nakiramay sa pagyao ni Robredo

TULUYAN nang bumuhos ang pakikiramay at pakikidalamhati ng ilang senador para sa pagpanaw ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kasunod nag pagkakatagpo sa bangkay nito kaninang umaga.

Bagama’t magkakaiba ang estilo ng pakikiramay ng ilang senador, karamihan naman sa kanila ang nagsasabi na isang malaking kawalan sa bansa si Robredo dahil siya ang nagsilbing haligi at tagapagsulong ng mahusay na pamamahala.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, malaki ang naitulong ni Robredo sa kanyang pangangampanya noong 2004 bilang senador kaya’t lubha siyang nalulungkot sa pangyayari na nawala ang isang haligi ng mahusay na pamamahala.

“We pray that the families of Sec Jesse, his pilot J. Bahinting and co-pilot K. Chand may be enveloped in love at this difficult time. I consider Sec. Jesse not just a friend but a mentor. I was campaigning as a senator in 2004 when I met him as mayor of Naga City,” ayon kay Cayetano.

“Later, I arranged with Mayor Jesse to visit Naga City to learn from their best practices, they were best in everything. For years, I’ve told people how progressive and inspiring Naga City [is], one of my favorite cities in the country,” dagdag ni Cayetano.

Nagpasalamat naman si Sen. Panfilo Lacson kay Robredo dahil tinutulungan siya ng DILG secretary sa panahon ng kanyang pagtatago noong 2010 bago magpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court sa kasong kidnapping at double murder kay Bubby Dacer at Manuel C orbito.

“A sad day for Filipinos. I will always remember and be thankful to Sec. Jesse Robredo for personally albeit quietly helping me during my difficult time while in hiding,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na hindi nalalaman ng lahat na isinulong ni Robredo sa kanyang lebel na kumbinsihin si Justice Secretary Leila de Lima na sundin ang desisyon ng Court of Appeals na bumabaligtad sa kautusan ng Manila RTC hinggil sa ruling na probable cause.

“He was so real and natural as a person in dealing with people, close friends or not,” ayon kay Lacson.

Para naman kay Sen. Francis “Chiz” Escudero na kapwa Bicolano, inilarawan niya si Robredo bilang malaking kawalan para sa buong bansa dahil siya ang haligi at tagapagsulong ng ating kolektibong adhikain para sa pagbabago at mahusay na pamamahala.

“My family and I express our deepest condolences to the Secretary’s family. I call on Bicolanos, as well as the entire nation, for prayers for the eternal repose of his soul and for his family and loved ones that they find strength to see this tragedy through. While he has left us to be with the Creator, his memory and legacy should be remembered, now and in the days to come,”  dagdag ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply