Mga stranded na residente ng Marikina tuloy ang pagsagip

NAGPAPATUYLOY ang ginagawang rescue operations ng mga awtoridad sa Marikina City para sa mga residente na-stranded makaraang malubog sa baha ang kanilang mga bahay bunsod ng walang tigil na ulan.

Kabilang sa mga nagsasagawa ng operasyon ang ilang miyembro ng Philippine Navy at Coast Guard katuwang ang mga rescue team ng Marikina City.

Nagpadala na rin ng mga pulis ang mga pamahalaang lokal ng Tuguegarao City, Cagayan at Nueva Vizcaya upang tumulong sa mga rescue team.

Samantala, kaninang alas-9:00 ng umaga ay bahagyang bumaba sa 20.4 meters ang water level sa Marikina River

Tutulong na rin ang Manila Yacht Club (MYC) sa rescue operations sa mga nasalanta ng baha bunsod ng walang tigil na ulan dulot ng habagat.

Ayon kay MYC Commodore Butch Belgica, tiniyak nito na magpapadala sila ng mga speed boat at rubber boat partikular sa mga lugar na nalubog sa baha tulad sa Marikina City.

Aapela rin si Belgica sa iba pang boat owner na tumulong sa rescue operations at magpadala ng mga jetski lalo sa mga eskinita na hirap pasukin ng mga rubber boat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply