Mikey ‘di sasabak sa 2013 mid-term elections

NAGKIBIT balikat lamang si Ang Galing Pinoy Party-list Representative Mikey Arroyo sa plano ng Commission on Elections (Comelec) na bawiin ang accreditation ng grupo para sumabak sa 2013 mid-term elections.

Ayon sa dating presidential son, wala na siyang planong pulitikal at pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang kaniyang pamilya.

Una nang inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na kabilang ang partylist group ni Arroyo sa mga posibleng ma-disqualify sa pagsabak sa 2013 elections dahil sa kabiguang magsumite ng ibang requirements.

Kauganay nito dumepensa ang Comelec sa kanilang isinasagawang pagsala sa mga existing o nakaupong partylist groups sa Kongreso.

Iginiit ni Comelec Chairman Brillantes na wala namang dapat ikatakot sa screening ang mga kumakatawan sa partylist groups kung wala silang itinatagong kaso o hindi pagsunod sa guidelines ng partylist system.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply