Military van bumaligtad, 6 sugatan sa Maynila

SUGATAN ang anim katao nang tumaob ang van ng civil military operations batallion ng Philippine Army sa panulukan ng Nepomuceno St., sa Legarda, Maynila, kaninang madaling araw.

Nabatid na lulan ng van ang anak at asawa ng mga sundalo na ihahatid sa Baseco compound, Maynila.

Ayon sa ulat sa radyo, sinabi ni Private First Class Joseph Pasion, driver ng sasakyan, na biglang may tumawid na bata sa daan na kanyang iniwasan.

Dahil dito, bumangga ang van sa pader at bumaligtad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply