Milo Litlle Olympics puputok bukas

INAASAHAN na ang matinding sagupaan ng mga magagaling na student athletes na mula sa 170 schools sa National Capital Region (NCR) sa pagsisimula ng prestihiyosong Milo Little Olympics sa Marikina Sports Park, Marikina City ngayon.

Aabot sa mahigit 5,000 student na binubuo ng 900 teams ang matatagisan ng galing sa athletics, badminton, chess, football, gymnastic, sipa/sepaktakraw, scrabble, swimming, table tennins, taekwondo, tennis at volleyball.

Ayon kay Nestle Philippines Sports Executive Robbie De Vera, pangunahing layunin nila ang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ma-develop ang kanilang skill sa sports at maging future Olympic champions.

Magiging masaya umano ang pagbubukas ng olympics dahil may nakalaang papremyo para sa loudest cheer, biggest school delegation, best in parade and salute, most discipline delegation, Ms. Milo Little Olympics at Cheerdance competition.

Magsisimula ang programa eksaktong 1:30 pm at titindi ang salpukan ng mga atleta sa Sept. 1,2, 8 at 9.

Magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng Olimpiyada sina Marikina Mayor Del de Guzman, Vice mayor Jose Fabian Cadiz, DepEd officials, at mga opisyal ng Nestle Philippines sa pangunguna nina De Vera, Ms. Michelle Marie-Calo Alvarillo at Andrew Neri.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply