2012 Milo Little Olympics inilipat sa Setyembre

DAHIL sa paghagupit ng matinding baha at pag-ulan bunsod ng hanging Habagat, inilipat na ng organizer ang grand opening ceremonies ng 2012 Milo Little Olympics sa National Finals sa National Capital Region sa Agosto 31, 2012 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Magsisimula naman ang salpukan ng mga estudyante sa Setyembre 1, 2, 8 at 9, 2012.

Mayroong 12 Olympic sports na pinaglalabanan, ito ay ang athletics, badminton, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball, habang ang dalawang sports pa ay ang sepaktakraw at scrabble.

“Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin ang laro sa National Capital Region at inaasahang mas magiging matagumpay ito kaysa sa mga nagdaang palaro,” dagdag pa ng organizer.

Magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng palaro sina Marikina Mayor Del R. De Guzman, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz at opisyal ng Nestle na si Sr. Vice President Michelle Marie Alvarillo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply