Milo Little Olympics sisiklab sa Biyernes

AABOT sa 5,197 na estudyante na binubuo ng 900 teams mula sa 170 schools sa National Capital Region (NCR) ang nakatakdang magtagisan ng galing sa pagsabog ng Milo Little Olympics sa Marikina Sports Park, Marikina City sa Biyernes.

Pangunahing layunin ng palaro na may temang “Buiding Champions in Life Little Champion, Big Dream, ang makadiskubre ng magagaling na atleta na pwedeng isabak sa international competitions.

Inaasahan ding lulusubin ng mahigit 20,000 manonood ang Olympiyada upang mapanood ang tagisan ng mga piling atletang-estudyante sa iba’t ibang sports decipline gaya ng athletics, badminton, chess, football, gymnastic, sipa/sepaktakraw, scrabble, swimming, table tennins, taekwondo, tennis at volleyball.

Ayon sa organizer, magsisimula ang grand opening sa Biyernes (August 31) at ang palaro ay sisiklab sa August 1,2,8, at 9. Sabay sa pagtatapos ang awarding ceremony ng mga nagwagi sa palaro.

Magkakaroon din ng photo contest para sa mediamen na may cash prize at iba’t ibang pa-contest para sa audience at mga delegasyon.

Magiging panauhin sa pagbubukas ng palaro sina Marikina Mayor Del de Guzman, Vice mayor Jose Fabian Cadiz, DepEd officials, at mga opisyal ng Nestle Philippines sa pangunguna nina Robbie De Vera, Ms. Michelle Marie-Calo Alvarillo at Andrew Neri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply