Misa iaalay sa mga binaha, vs RH Bill bukas

NAKATAKDANG magdaos ng banal na misa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga biktima ng pagbaha dulot ng habagat at upang hindi maisabatas ang Reproductive Health (RH) Bill.

Ayon kay CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma, ang Holy Eucharist ay isasagawa sa St. Peter’s Parish sa Commonwealth Avenue dakong alas-7:00 ng gabi bukas.

Kaugnay nito, iniimbitahan ng arsobispo ang mga mananampalataya na dumalo at makiisa sa naturang banal na misa.

Sinabi ni Palma na ang misa ay para sa kaliwanagan ng Executive at Legislative Branches ng pamahalaan upang hindi maipasa ang RH Bill, gayundin para sa mga biktima ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan kamakailan.

Nauna rito, nagpalabas ang Archdiocese of Manila ng Oratio Imperata para ipanalangin ang pagtigil ng walang humpay na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya na nagdulot ng mga pagbaha at bumiktima ng libu-libong pamilya at kumutil ng maraming buhay.

Nitong nakaraang linggo naman, nagdesisyon ang Kamara de Representantes na itigil na ang debate sa RH bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply