Misa inalay sa 73-kaarawan ni FPJ

NAG-ALAY ng misa ang kapamilya at malalapit na kaibigan  para sa ika-73 kaarawan ng yumaong actor na si Fernando”FPJ” Poe, Jr. sa North Cemetery.

Pinangunahan naman ni Manila Mayor Alfredo Lim  ang pag-alay ng misa na idinaos naman ni Caloocan Bishop Deogracias Iniquez.

Binendisyunan din ng Obispo ang puntod ng yumaong “da King”.

Dumalo naman  ang mga miyembro ng  FPJ for President Movement (FPJPM) at mga kaibigan ang pagdiriwang.

Sinabi ni Lim na kasalukuyang ginagawa ang monumento ni FPJ at itatayo ito sa tapat ng embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard sa Disyembre 14.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply