Misis, anak, biyenan at bayaw minasaker bago nagbaril sa sarili

APAT miyembro ng isang pamilya ang binaril at napatay ng problemadong mister bago nagpakamatay, habang agaw buhay naman ang kanyang pitong taong gulang na anak sa Vigan City  kaninang madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa  Camp Crame, naganap ang family massacre bandang ala-una ng madaling-araw sa loob mismo ng tahanan ng suspek sa Barangay Amianence,  nabangit na lungsod.

Ayon sa report ng Vigan City Police Station, pinatay muna ng suspek na si Edwin Expinueva, 37, ng nasabing lugar ang apat na miyembro ng kanyang pamilya bago nag-suicide.

Kinilala ang mga napatay na sina Frances Roella Mendoza Enpinueva, 34, misis ng suspek; Carla, 16, anak ng suspek, Estrella Mendoza, 56, biyenan at Jeffrey Mendoza, 30, bayaw.

Nanatili namang nasa  kritikal na kalagayan ang pitong taong gulang na anak ng suspek na kinilalang si Samantha  dahil sa bumaong tama ng punglo sa  ulo at dibdib.

Napag-alaman na suliranin sa kabuhayan at pamilya ang ugat ng pagmasaker ng suspek sa kanyang pamilya bago kinitil ang sariling buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply