Misis napatay ni Mister dahil sa cellphone

PATAY na nang idating ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos bugbugin at ng kanyang misteer sa Quirino province dahil sa hinalang pagseselos.

Kinilala ang namatay biktima na si Noemi Saltat, 23, makaraang pukpukin ng bato ng kanyang mister na si Renato Saltat, 34, residente ng Rizal, Diffun, Quirino.

Batay sa ulat ni Mrs. Adelina Galera, ina ni Noemi na walang kapitbahay na tumulong sa kanyang anak dahil inakala nila na simpleng away lamang ang nangyayari sa mag-asawa.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nag-agawan sa cellphone ang mag-asawa na nauwi sa kanilang matinding pag-aaway.

Unang iniuntog ni Renato ang ulo ng kanyang misis bago itinulak at nang matumba ay sinakyan ito at pinagbubugbog at pinukpok ang ulo gamit ang bato.

Si Noemi ay galing sa Lebanon ang bansang pinagtatrabhuhan nito ng ilang taon.

Nanawagan si Gng. Galera sa manugang na si Renato na taga-San Guillermo, Isabela na sumuko na sa mga alagad ng batas.

Ani Galera, nagkaroon ng trauma ang dalawang anak ng mag-asawa na walong taong gulang na lalaki at anim na taong gulang na babae dahil nakita nila ang pag-aaway ng kanilang mga magulang na humantong sa kamatayan ng kanilang ina.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP Diffun sa mga miyembro ng PNP Guillermo para malaman kung nagtatago roon si Renato Saltat para madakip ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply