Misis todas sa boga ng selosong mister

UTAS sa selosong mister ang kanyang misis sa Barangay Araniw, Laoag City nang barilin ng una kagabi.

Nagtamo ng isang tama sa ulo at namatay noon din si Jeka Villanueva, 36, habang nahuli naman agad ang suspek na si Arnel Villanueva, 41, kapwa ng  Barangay Araniw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 9:45 nitong Linggo ng gabi sa isag bakanteng lote na nasa tabi lang din ng bahay ng mag-asawa.

Narekober ng mga pulis ang isang cal. 45 na baril at basyo sa bakanteng lote.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa PNP Laoag habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply