Missing pilot noong May 19 natagpuang patay

NATAGPUAN ng mga mangingisda ang isang bangkay na hinihinalang isa sa mga piloto na napaulat na nawawala sakay ng Philippine Air Force (PAR) trainer plane na bumagsak sa karagatang sakop ng Mariveles noong Mayo 19.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo na nakita  ang bangkay sa dalampasigan ng Monja Island sa Mariveles na wala ng ulo at nakasuot pa rin ng Air Force flying suit.

Kasalukuyang nasa Yampao Funeral sa Mariveles ang bangkay habang nakikipag-ugnayan ang PCG sa mga tauhan ng Air Force.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply