Mister, lover nahuli ni misis sa motel

NAISKANDALO ang katahimikan ng mga “secret lovers” nang magmistulang telenovela ang senaryo sa isang motel sa Bacolod City matapos na mabuking ng isang sundalong babae ang kanyang mister at kalaguyo nito.

Ayon sa pahayag ng misis, apat na buwan na niyang sinusundan ang kanyang mister at kahapon ay natiyempuhan nitong pumasok ito sa motel kasama ang 32anyos na kalaguyo na napag-alamang isang empleyada ng Accounting Division ng Negros Occidental provincial capitol.

Matapos ang anim na oras na pakikipagromansa, lumabas din sa motel ang magkalaguyo.

Dahil sa kaguluhan sa loob ng motel tinawagan ng management ng motel si Major Marlon Hofemia ng 303rd Brigade para mamagitan sa gulong nangyari.

Dinala naman agad ang mga sangkot sa Bacolod City Police Office Headquarters upang pag-usapan ang problema.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply