Mister utas sa riding-in-tandem sa Caloocan

DEAD on the spot ang isang mister matapos putukan ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang ang una ay sakay din ng motorsiklo kasama ang kanyang asawa sa Caloocan City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Reynante Espenilla, 37 ng Talipapa ng lungsod na namatay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, angkas ng biktima sa motorsiklo si Mary Grace Alvarado, 23 at pagsapit sa Road 7, GSIS Village ay sinabayan ng mga suspek.

Pinutukan ng nakaangkas na suspek ang biktima at tinamaan sa ulo.

Agad namang pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sasakyan.

Inaalam na ng mga pulis ang ugat ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply