Miyembro ng VACC sumugod sa SC

SUMUGOD sa Korte Suprema ang grupo ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) upang iprotesta ang ginawang pagbasura ng Kataas-taasanag Hukuman sa disbarment case ni Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Sa pangunguna ni VACC chairman Dante Jimenez, dapat, aniyang, hindi dinismis ang kaso ni Carpio dahil kung mananatili ito sa puwesto ay mawawalan ng katarungan sa Korte Suprema.

Matatandaan na naghain ng disbarment case si Lauro Vizconde laban kay Carpio dahil sa paniniwalang may kinalaman ito sa pag-abswelto kay Hubert Webb na sinasabing suspek sa Visconde Massacre.

Ang disqualification ni Carpio bilang nominado sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa pagka-punong mahistrado ng Korte Suprema ay kabilang din sa kahilingan ni Vizconde.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply