Update: MM, karatig lubog sa tubig baha

LUBOG na sa tubig baha ang kalakhang Maynila at maging ang ilang karatig lalawigan sa walang humpay na buhos na malakas na ulan.

Quezon City

Tatalon- lubog na ang mga kabahayan sa tubig baha

Talayan Village sa Quezon City lubog na rin sa tubig baha dahil umapaw na ang Talayan River

Nananawagan ang mga residente sa lugar na kagyat na magpadala ng mga rescue team para masagip ang mga apektadong pamilya.

Apolonio Samson -may mag-ina na nasa bubungan pa ng kanilang bahay na kailangan masagip.

Roxas District- apektado na rin ng tubig baha.

La Mesa Dam umapaw

Lumikas na rin ng mga residente sa Barangay Sta Lucia dahil umapaw na ang tubig sa Tulyahan River sanhi ng pag-apaw ng tubig sa La Mesa Dam.

Malabon

 

Caloocan

Lagpas tao na ang tubig baha sa 5th Avenue, Grace Park. Nananawagan ng agarang rescue ang mga residente at relief goods.

Tumaas na rin ang tubig sa Monumento. Hirap na rin ang mga sasakyan papasok sa lugar ng CAMANAVA.

Hanggang bawyang na ang tubig sa Letre.

Malabon

Forced evacuation ipinatutupad na sa Potrero, Malabon.

 

Pampanga

Mahigit 100 barangay sa Pampanga ang lubog sa tubig baha. Kasalukuyang minomonitor ang Pampanga River.

Bulacan

Si Marilao Mayor Epifanio Guillermo ay nanawagan na matulungan na mailikas ang mga pamilya sa pitong barangay na lubog sa tubig baha.

Sinabi ni Guillermo na sa bagong munisipyo malapit sa Marilao exit puwedeng dalhin ang mga tulong.

Marikina 

Lagpas 19 meters na ang tubig sa Marikina River. May 7,000 na ang nailikas at marami pa ang inililikas.  Nag -umpisa na ring bumaha sa Provident Village.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply