MM maulan pa rin, signal ibinaba na sa yellow — Pagasa

MAGIGING maulan pa rin ang sitwasyon sa Metro Manila ngunit ibinaba na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa yellow warning signal ngayong umaga, Agosto 8.

Ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA kaninang alas-9:00 ng umaga, umabot sa 3 millimeters (mm) hanggang 10mm kada oras o moderate to heavy rains ang bumuhos na ulan sa Parañaque, Pasig, Taguig at Quezon City nitong nakalipas na oras, habang 1mm/hr hanggang 7mm/hr naman sa natitirang bahagi ng Kamaynilaan.

Asahan namang sa susunod na tatlong oras, ay makararanas ng light to moderate rainfall o 3mm/hr hanggang 10 mm/hr rain ang Metro Manila.

Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Pagasa sa lagay ng panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply