MMDA may libreng sakay sa mga kukuha ng UPCAT

MAY handog na libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority-University of the Philippines College Admission Test (MMDA-UPCAT) sa mga estudyanteng kukuha ng pagsusulit sa UP-Diliman bukas at sa Linggo (Agosto 4, 5).

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, may itatalagang loading point sa tapat ng gusali ng DILG sa Edsa, malapit sa kanto sa East Avenue sa Quezon City at C5-Ortigas Ilalim, malapit sa rescue station ng MMDA sa Pasig City.

Ang libreng sakay sa mga loading point papuntang UP-Diliman ay sa mga sumusunod na oras: 4:30 ng madaling araw, 5:00 ng madaling araw, 5:30 ng madaling araw at 6:00 ng umaga o bawat 30 minuto sa pagitan sa bawat biyahe.

Tinatayang higit sa 60,000 ang kukuha ng nasabing pagsusulit bukas at sa Linggo.

Gayunman, ayon sa MMDA, limitado lamang ang upuan sa bawat biyahe ng handog na libreng sakay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply