MMDA na biktima ng pananakit na-promote na

PORMAL nang na-promote at nabigyan pa ng award ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic officer na pinagsasampal ng isang motorista sa Quezon City noong nakaraang Agosto 11.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Unit Head Yves Gonzales, na-promote na bilang Traffic Aide II si MMDA traffic Constable Sonny Fabros.

Maliban dito, sinabi ni Gonzales na ginawaran din si Fabros ni MMDA Chairman Francis Tolentino ng Medal of Honor.

Matatandaang sinaktan ng motoristang si Robert Blair Carabuena si Fabros matapos itong sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Gayunman nanatiling kalmado si Fabros sa kabila ng verbal at physical assault na ginawa sa kanya ni Carabuena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply