MMDA nanawagan ng mga volunteer para sa rescue operation

HUMINGI na ng tulong ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko para mag-volunteer upang tumulong sa kanilang pagresponde sa mga kababayang nangangailangan ng tulong ngayong patuloy pagtaas ng tubig baha dulot ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na bagama’t patuloy ang kanilang isinasagawang rescue operations, kailangan pa nila ng karagdagang tulong dahil sa patuloy na dumadami ang humihingi ng saklolo lalo na mga lugar na lagpas tao ang tubig baha.

Nanawagan din si Tolentino sa mga volunteer groups na may kakayahan lalo na sa mga nasanay ng MMDA sa water rescue operation na nasa hustong pangangatawan kung puwede tumulong sa rescue para sa ating mga kababayan.

Nabatid sa MMDA na libo-libo na ang kanilang sinanay para sa recue operations kaya umaasa si Tolentino na may magbo-volunteer para tumulong naman ngayon sa iba at maplantsa ang pagresponde sa mga apektado ng baha.

Sa mga interesado, magtungo lamang sa MMDA Flood Control Information Office sa EDSA Guadalupe, Makati at para naman sa mga mangangailangan pa ng tulong, tumawag lamang sa MMDA hotline na 882-09-25.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply