MMDA: Volunteers, kailangan sa paglilinis ng Manila Bay

HINIKAYAT ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Corazon Jimenez ang mga volunteer na makiisa at tumulong sa gagawing clean-up operation sa Manila Bay sa darating na Linggo.

Ayon kay Jimenez, sisimulan ang clean-up operation sa Manila Bay sa Roxas Boulevard sa Maynila dakong alas-7:00 ng umaga.

“Volunteerism ito, sa Sunday,”  ayon pa kay Jimenez.

Ang gagawing puspusang paglilinis sa Manila Bay ay dahil pa rin sa mga tambak na basura na patuloy na inaanod ng alon sa  baybaying dagat na nagsimula pa noong kasagsagan ng bagyong Gener hanggang sa hagupitin ng Hanging Habagt nitong nakalipas na araw.

Bagamat patuloy ang ginagawang clean up operation sa Manila, tila hindi naman nababawasan ang tone-toneladang basura rito na inaanod ng malalaking alon mula sa iba’t ibang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply