Modernong gamit sa rescue operations, isinulong

DAHIL sa matinding pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan, hinikayat ng isang mambabatas ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa rescue at relief operations na kumuha ng mga modernong kagamitan sa pagsagip ng buhay kabilang na dito ang mga makabagong jet skis.
Sa inihaing House Resolution ni LPG-MA Partylist Rep. Arnel Ty, kanyang hinikayat ang Philippine Coast Guard (PCG) , National Police Maritime Group at Philippine Navy na mag-invest sa durable motorized inflatable boats at jet skis at iba pang katulad na kagamitan.

Aniya, ang matinding pagbaha sa Kalakhang Maynila at karatig lalawigan nitong mga nakaraang araw ay nagpapakita lamang umano ng kawalan ng kagamitan ng gobyerno upang mapabilis ang pag-sagip sa mga na stranded na residente.

Bukod pa rin aniya sa lumalalang climate change na siyang pangunahing dahilan para bumili ang mga kinauukulan ng mga makabagong kagamitan at mapaghandaan ang mga matitindi pang pagbaha.

Pinuna rin ng mambabatas na dahil sa kawalan ng makabagong kagamitn ng mga rescuers na mano-manong pagsasagwan lang ang ginagawa ng mga ito sa mga binahang lugar gamit ang walang motor na bangka at iba pang floating devices samantalang ang navy ay mayroon lamang na kakaunting bilang ng amphibious vehicles.

Hinikayat din ni Ty ang lahat ng barangay disaster risk reduction and management councils na hanapin ang lahat ng may-ari ng jet skis sa kanilang komunidad upang makatulong sa sandaling mayroong malaking pagbaha sa kanilang lugar upang mabilis na makapagrescue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply