Modesto Taran sibak na sa X-Factor

OUT na sa X Factor Philippines ang pinakamatanda sa mga contestant na si Modesto Taran.

Nakasama ni Mang Modesto sa bottom ang grupong Takeoff para sa Group category.

Sa kauna-unahang pagkakataon, walang naganap na deadlock at tuluyan ngang napauwi na si Mang Modesto na kilala sa kanyang plakadong boses.

Sina Charice, Gary V at maging ang mentor niyang si Ms. Pilita Corales bumoto kay Mang Modesto para mapauwi.

Sa ngayon isa na lang ang natitira sa Over 25 category at ito ay si Joan Da.

Magpapakitang gilas sa susunod na linggo ang Top 8 na binubuo nina:

Martin Nievera (Boys)
Jeric Medina
Gab Maturan
Kedebon Colim

Charice (Girls)
Allen Sta. Maria
KZ Tandingan

Gary Valenciano (Groups)
Daddy’s Home
Takeoff

Pilita Corales (Over 25)
Joan Da

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply