Most wanted kumasa sa parak, patay

INARMALITE ng pulisya ang isang most wanted criminal sa South Cotabato nang kumasa ito habang isinisilbi ang arrest warrant laban dito sa Barangay Glanag, bayan ng T’boli, South Cotabato kaninang madaling araw.

Nagtamo ng 3 tama ng bala ng M16 armalite rifle sa dibdib at namatay noon din ang suspek na si Benny Wanan, 40-anyos na nahaharap sa kasong multiple murder at may kaugnayan sa droga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente  dakong alas 4:30 ng madaling araw sa Barangay Glanag, bayan ng T’boli, South Cotabato.

Bago ito, pinuntahan ng mga miyembro ng T’boli PNP ang bahay ng suspek para isilbi rito ang warrant of arrest ngunit imbes sumuko ay nagpaputok agad ng kanyang sariling carbine.

Tinamaan naman agad sa kanang hita ang pulis na si PO2 Jay Sabandija kaya gumanti ang kanyang mga kasamahan at tinamaan naman agad sa dibdib ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply