Mosyon na itigil na ang debate sa RH bill sinopla

MATAPOS mag-mosyon si House Majority Floorleader Neptali Gonzales na i-terminate na ang debate sa Reproductive Health bill o House Bill 4244, agad tumayo sa plenaryo si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez upang tutulan.

Agad namang nagbigay si Gonzales at binigyan ng limang minuto si Rodriguez upang ipaliwanag ang posisyon sa pagtutol.

Giit ni Rodriguez na taliwas aniya ang gagawing botohan ngayon sa naunang napagkasunduan na noong August 7.

“Your honor I beg our Majority Leader to withdraw his motion, this is unfair,” giit ni Rodriguez.

Sinundan naman ni Batangas Rep. Hermilando Mandalas ang mosyon ni Rodriguez sa paggsasabing tutol siya na itigil ang debate sa RH bill dahil mawawalan aniya ng karapatan ang mga anti-RH bill na makapagpaliwanag.

Sa ngayon ay may korum sa plenaryo dahil sa katatapos na rollcall ay present ang may 231 na kongresista.

Samantala, dumalo rin si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa sesyon ng Kamara.

si GMA ay nagpahayag na ng kanyang pagtutol sa RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply