Mosyon ni De Lima, ibinasura ng IBP

IBINASURA ng Integrated and Bar of the Philippines (IBP) ang inihaing mosyon ni Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa kanyang tatlong disbarment case nito.

Ayon sa IBP, ipagpapatuloy ang disbarment case ng kalihim matapos na magdesisyon ang Board of Governors na i-deny ang motion for reconsideration ni de Lima.

Ayon pa sa IBP, ipapaubaya na nila sa Judicial and bar Council (JBC) kung dapat pa bang isama sa isusumiteng shortlist para sa CJ post kay Pangulong Benigno Aquino III si de Lima.

Ito ay sa kabila ng nakasaad sa JBC rules na madidiskwalipika ang sinumang nominado sa posisyon na may nakabinbing kaso kabilang na ang disbarment case.

“We didn’t make our descision in consideration whether or not Secretary De Lima will be disqualified. Our position is based only on the rule of law… Our concern only is that the rule of law will be upheld,” ayon sa IBP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply