Motel sa Malabon hinoldap ng riding-in-tandem

HINOLDAP ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang isang motel sa Malabon City, kaninang umaga.

Sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga, pumasok sa Malabon City Hotel sa Gen. Luna Street., Ibaba ng lungsod ang mga suspek at sinabing may hinahanap na tao.

Naka-helmet na itim ang mga suspek kung saan isa ang agad na nagbunot ng baril at tintukan ang kaherang si Jenelyn.

Kinuha ng mga suspek ang P6,125 kita ng motel at bago tumakas sakay ng motorsiklong hindi naplakahan ay nagpaputok ng baril.

Iniimbestigahan na rin ng mga pulis ang guwardiyang si Alvin De Jesus dahil wala sa puwesto nang maganap ang holdapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply