Mother-baby friendly workplace isinusulong

BINIGYAN ng Department of Health Center for Health Development – National Capital Region (DOH CHD-NCR) ng “Mother-Baby Friendly Workplace Certification” ang Landbank of the Philippines (LBP) dahil sa pagsunod nito sa Republic Act No. 10028  o ang “Expanded Breastfeeding Promotion Acts of 2009”.

Ang sertipikasyon sa LBP ay kaalinsabay sa Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto, na may temang “Breastfeeding ay TSEK – Tama, Sapat at Ekslusibo!”

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, layunin ng Mother-Baby Friendly Workplace Certification na isulong at hikayatin ang breastfeeding sa mga workplace, maging pribado man o pampublikong sektor.

Sa ilalim ng certification criteria, kinakailangang mayroong lactation stations na may mga kaukulang gamit tulad ng lavatory para sa paghuhugas ng kamay, refrigeration o akmang cooling facilities para sa breast milk expression at storage, electrical outlets para sa breast pumps, maliit na mesa, komportableng mga upuan at iba pang gamit na alinsunod sa standard ng DOH.

Ipinaliwanag ni Janairo na polisiya ng estado na isulong ang breastfeeding at magbigay ng mga specific measures na magbibigay ng oportunidad sa mga ina na magpa-breastfeed ng kanilang mga anak.

Alinsunod sa RA 10028, lahat ng health at non-health facilities, establishments, at mga institutions ay dapat na mayroong breastfeeding stations para maprotektahan at maisulong ang kalusugan ng isang ina at kanyang sanggol.

Pinagkakalooban din ng naturang batas ng tax incentives ang mga public at private establishments na mayroong lactation stations para sa lactating workers.

Nabatid na ang mga gastusin para sa private health at non-health facility, establishment o institution alinsunod sa batas ay ibabawas para sa income tax purposes.

Lahat naman ng ahensya ng pamahalaan na sumusunod sa RA 10028 ay makatatanggap ng karagdagang appropriation o budget.

Matapos namang masertipikahan ng DOH, maaaring maghain ang mga kompaniya ng tax incentive sa Bureau of Internal Revenue.

Ang sertipikasyon ay balido sa loob ng dalawang taon at subject para sa re-application at re-assessment.

“That is why I am encouraging more participation by both public and private agencies in the promotion of mother-baby initiatives in the workplace. With more active support, breastfeeding will work anytime, anyplace and anywhere,” aniya pa.

“Given the significance of breastfeeding to mothers and their children, it is only important that we take action to support it,” ani Janairo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply