Motor shows: More fun in the Philippines

“IT’S MORE fun the fourth time around”— yan ang sinabi ng ng CAMPI o Chamber of Automotive Association of the Philippines ukol sa nalalapit na 4th Philippine International Motor Show (PIMS). Ang isa sa pinakamalaking motoring event sa bansa na gaganapin mula August 16 hanggang August 19 sa World Trade Center sa Pasay, City.

Ayon sa bagong president ng CAMPI na si Rommel Gutierrez, ang ikaapat na PIMS exhibit ay magpapakita sa katatagan ng car industry sa bansa at asahan raw na mas entertaining at unforgettable ang 2012 PIMS. Hindi ipinagkaila ni Gutierrez na naging mahirap ang taong 2011 para sa automotive industry dahilan na rin sa sunod-sunod na mga kalamidad na hinarap ng ilang major car manufacturing companies at ang kasalukuyang economic crisis sa Europa: ang 2012 PIMS ay, ika nga, bounce back ng mga kompanyang miyembro ng CAMPI. Dagdag pa ni Gutierrez, marami rin silang ipapakita sa publiko na high-tech gadgets atbp na may kinalaman sa mga sasakyan.

Ang temang “Drive for Fun” ng PIMS ngayong taon ay alinsunod sa DOT campaign na ‘Its more fun in the Philippines’. Gaya ng ibang naglalakihang motor show sa ibang bansa (i.e., Tokyo Motor Show), layon ng CAMPI na maging isa sa mga tourist-driving factor ng ‘Pinas ang Philippine International Motor Show: na maging isang world-class motor show ang PIMS sa mga darating na taon nang sa gayon ay mas maengaño ang mga turista sa ibang bansa na bisitahin ang Pilipinas. Ngayong taon ay isinusulong rin ng CAMPI ang kanilang environmental –awareness campaign, ang “ My Ride+Earth.”

Liban sa pagsulong ng turismo at kabutihan ng kalikasan, kaakibat rin ng gobyerno ang CAMPI sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Noong 2010, umabot sa P120-bilyong piso ang ipinasok na investment ng mga miyembro ng kompanya ng CAMPI, at nagbigay ng trabaho sa halos 408,000 na mga Pilipino. Noong isang taon, 4% ng GDP (Gross Domestic Product) ng car industry sa bansa ay nagmula sa mga CAMPI companies.

May 15,000 sq. meters ang inihahandang exhibit area ng CAMPI para sa 13 car brands na tiyak dudumugin ng publiko.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply