Motor sumalpok sa trak sa EDSA, driver todas

NALASOG ang katawan ng isang motorcycle rider nang salpukin nito ang isang nakaparadang trak na naglilinis ng manhole sa Quezon City kaninang madaling araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Lito Carolino, walang tiyak na tirahan.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ng pulisya ang hindi nakuhang pangalan ng tsuper trak para panagutin sa insidente.

Ayon kay PO3 Andy Sotto, naganap ang insidente dakong alas 12:15 ng madaling araw sa northbound lane ng Epifanio delos Santos Avenue at Munoz.

Bago ito, sinabi ni Sotto na pumarada ang naturang trak sa lugar para linisin ang mga manhole sa kabahaan ng EDSA.

Pero maya-maya lamang, aniya, biglang nakarinig ang tsuper ng trak ng isang malakas na pagkalabog at nang puntahan niya ang likod ng kanyang trak ay nakita niyang nakabulgta sa kalsada ang biktima.

Ayon pa kay Sotto, walang ikinasang early warning device ang mga nagtratrabaho sa manhole bukod pa sa may kadiliman sa lugar.

Ngunit pinag-aaralan din ni Sotto ang anggulong nakatulog ang biktima kaya sumalpok ito sa trak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply