Motor vs trak: Sundalo tepok, GF kritikal

AGAD na namatay ang isang sundalo habang nasa malubhang kalagayan ang kasintahan nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trak habang binabaybay ang kalsada papuntang bayan ng Polangui Albay kagabi.

Naganap ang aksidente bandang alas 8:30 kagabi sa Barangay Malingabang, nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok ang motorsiklo na minamaneho ng biktima na si Richard Relano y Baluwis, 28, sa isang nakaparadang truck sa nasabing barangay.

Wala umanong ilaw ang truck kaya hindi ito nakita ng biktima hanggang sa bumangga.

Patungo sana sa San Antonio Nabua Camarines Sur ang mga biktima para mag-report sana ang sundalo sa kanyang trabaho.

Kasalukuyan pa ring nakaratay ang kasintahan ng biktima na hindi pa batid ang pangalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply