Motorcycle rider tigok sa killer truck

DEAD on the spot ang isang motorcycle rider makaraang salpukin ng isang rumaragasang truck kaninang umaga sa EDSA, Pasay City.

Ang biktima na kinilalang si Nicolas Reynaldo ay namatay makaraang lumabas ang utak at magkalasog-lasog ang katawan nang kaladkarin ng isang Isuzu truck na may plakang XNR 776.

Napag-alaman sa ulat ni SPO1 Marianito Agas ng Traffic Investigation Division, ang insidente ay naganap dakong 10:30 ng umaga sa kahabaan ng EDSA, malapit sa kanto ng Park Avenue, Pasay City.

Nabatid na ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklong Honda na may plakang 8922 PU patungong Makati City nang magit-git ng truck.

Nawalan ng balanse ang biktima at hindi napuna na may motorsiklo sa kanyang harapan kaya nabundol ito na naging dahilan para masagasaan at makaladkad ng mahigit 10 metro ang layo na nagresulta sa kamatayan nito.

Ang suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at inilipat sa Pasay City Traffic Management Unit para sampahan ng kasong homicide thru reckless imprudence.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply