Mukhang kargador sa Divisoria!

NASILAYAN namin ang ilan sa mga finalists sa Artista Academy ng TV5 na kabilang sa kanilang Top 16.

Walang halong pang-iintriga pero karamihan sa kanila ay hindi artistahin ang dating, lalo na ‘yung utol ni Aljur Abrenica na mukhang kargador sa Divisoria tapos mukha pang chubby sa TV screen. Nakapagtataka naman, my BFFT Pete A, hunk na hunk ang dating ni Aljur bakit naging ganito ang facelalu ng kanyang syufatids?

Saka ano ba ang aasahan ng mga Top 16 finalist sa AA eh walang dating ang network na kanilang sinalihan?

Look na lang nila si Eula Caballero naturingang big winner ng isang Artista Search ng Singko pero hanggang ngayon starlet na starlet pa rin ang dating.

Kasi naman, nandiyan ang ABS-CBN at GMA 7 na hindi lang sikat kundi malalaking istasyon pa na hindi lang napanonood rito sa Pinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sasali na lang kasi, hindi pa pinag-iisipan. May joke nga kaming narinig na hanggang nandiyan raw kasi si Manang Cristy Fermin sa TV5 ay walang magiging progress ang netrwork na ito ni Mr. Manny Pangilinan na nalugi na nga ng ilang bilyones.

Ang jinx ay jinx gyud!

***

Bela Padilla bida na sa sexy drama teleseryeng ‘Magdalena’ sa GMA7

ILANG beses ng may gumawa ng pelikulang tema ang prostitusyon. This time, sa makabagong panahon, ay ilulunsad ng GMA Films ang isa sa pinakamahuhusay nilang aktres na si Bela Padilla via Magdalena. Well, kami na mismo ang magsasabi na sobrang nahasa na si Bela sa pagganap sa madadramang teleserye, tiyak na kakayanin nito ang bigat ng role na gagampanan sa pagbibidahang sexy-drama serye.

We heard na ang baguhang aktor na si Pacho Magno ang kanyang leading man at base sa tweet ng sikat na alaga ni Ms. Claire dela Fuente while on her way sa GMA7 para sa story conference ng Magdalena, super excited na siya sa bagong project na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang TV outfit.

Napanood si Bela sa mga teleseryeng Endless Love, Machete at Hiram Na Puso. Naging semi-regular co-host rin siya ni Cong. Manny Pacquiao sa Many Manny Prizes. May ilang endorsement na rin ang actress na mula sa Padilla clan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply