Multicab nasunog sa gasolinahan, 3 sugatan

TATLO katao ang sugatan nang magliyab  ang isang multicab habang nagkakarga ng gasolina sa isang gasoline station sa Zamboanga City, kaninang umaga.

Kabilang sa mga biktima ang mismong driver ng multicab na si Jonh Carlo Abilla 18-anyos; ang attendant ng gasolinahan na si Felix Francisco at isang babaeng kostumer.

Nabatid na nagpapakarga ng gasolina ang nasunog na multicab pasado alas-9:00 ng umaga nang bigla na lamang itong lumiyab.

Kuwento ng sugatang attendant, naglalagay na siya ng gasolina sa multicab habang nilalaro umano ng driver nito ang isang lighter.

Ilang saglit, pa bigla na lamang sumiklab ang apoy at masuwerte namang nakalabas agad ang driver na siyang nagtamo ng grabeng sunog sa katawan.

Dahil sa insidente, sunog na sunog ang harapan na bahagi ng multicab at makaraan ang ilang minuto ay naapula ang apoy bago pa man ito kumalat sa mismong gasolinahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply