Musikero tiklo sa pagtutulak ng droga

ISANG musikero na suma-side line umano sa pagbebenta ng shabu ang nadakip sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tuguegarao City noong Martes (Agosto 14)).

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang nahuling suspek na si Marlon Desi Israel, 36-anyos, musician, at residente sa Barangay Cagay, Tuguegarao City, Cagayan at sinasabing kabilang sa talaan ng PDEA Regional Order of Battle.

Nauna rito nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Israel at poseur-buyer ng PDEA hinggil sa bentahan ng shabu sa Brgy. Tanza, Tuguegarao City.

Matapos tanggapin ni Israel ang halagang P2,000 marked money kapalit ng sachet ng shabu, ay dito na siya dinakma ng mga tauhan ni Dir. Juvenal Azurin ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2).

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), ng Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek.

Samantala, nadakip naman ng mga elemento ng PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11) sa pamumuno ni Director Emerson Rosales si Homer Bariquit, 22-anyos, matapos nitong bentahan ng shabu ang poseur-buyer ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa Duha Village, Daliao, Toril, Davao City.

Nakuhanan din ang suspek ng karagdagang 16 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng limang gramo.

Nahaharap si Bariquit sa kaparehong kasong kinakaharap ni Isarael.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply