Muslim brothers nanalangin para sa kaligtasan ni Robredo

NAKI-ISA sa  pag-aalay ng panalangin ang mga kapatid na Muslim para sa kaligtasan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, ipinapanalangin nila ang kapayapaan sa Mindanao, tagumpay sa pamumuno sa bansa ni Pangulong Noynoy Aquino at pagbangon ng mga Filipino sa anumang klase ng kalamidad.

Isinama rin ni Hataman sa kanilang panalangin ang kaligtasan ni Robredo at dalawang kasamang piloto matapos bumagsak sa
karagatang sakop ng Masbate ang sinakyang Piper Seneca plane noong Sabado.

Nanalangin din ang mga kapatid na Muslim sa pagkakaroon ng pagbabago at reporma sa rehiyon at higit sa lahat dahil dito sa nangyari kay Robredo na isang kasama sa reporma ng bansa.

Ipinagdiwang kahapon ng mga kapatid na Muslim ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply