MWSS: 90% ng Metro Manila walang sewerage system

INIULAT ngayon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na 90 porsyento ng Metro Manila ay walang sewerage system.

Sinabi ni MWSS Chairman Ramon Alikpala na karamihan sa mga residente ay tanging septic tanks ang gamit.

Ipinaliwanag ni Alikpala na regular na naglilibot ang water concessionaires para sipsipin ang septic tanks at sisimulan na rin ang paggawa ng water treatment facilities para sa mga ito.

Sinisimulan pa lang ang paggawa ng inceptor system na siyang magsisilbing treatment facility para sa maruming tubig na pakakawalan sa ilog mula sa drainage system.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply