Nabakanteng posisyon sa SC, prayoridad ni Sereno

PRAYORIDAD ngayon ng bagong talagang Punong Mahistratdo ng Korte Suprema na punan ang nabakanteng puwesto sa SC.

Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sa Setyembre 3,araw ng Lunes ay asahan na tatalakayin sa pulong ng Judicial and Bar Council (JBC) ang isyu na babalangkas sa mga nominado para sa nabakante nitong puwesto bilang Associate Justice ng SC.

Ang proseso ng pagpili ng papalita sa nabakanteng puwesto ni Sereno ay katulad din ng nakaraang proseso kung saan ilalathala din ang ilalabas na anunsyo.

Binigyan naman ng JBC ang publiko ng 10 araw upang makapaghain ng kanilang nominasyon o aplikasyon sa naysaying posisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply