Nabakanteng puwesto ni Sereno sa SC, tatalakayin ng JBC sa Setyembre

TATALAKAYIN ng Judicial and Bar Council (JBC) sa unang linggo ng Setyembre ang agenda para naman sa pagpili ng kapalit sa nabakanteng puwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema.

Ayon sa JBC, partikular na tatalakayin ang agenda para sa formal announcement nang pagtanggap ng konseho ng mga aplikante at nominado sa dating posisyon ni Sereno bilang Associate Justice ng SC at ilalathala din sa dyaryo ang ilalabas na announcement.

Sinabi ni JBC member Atty. Jose Mejia, na 10 araw ang ibinigay na palugit sa publiko upang makapaghain ng kanilang aplikasyon o nominasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply