Nabiting programa ng DILG itutuloy ni Ochoa

WALA aniyang mababago dahil itutuloy ng itinalagang officer in charge ng Department of the Interior and Local Government ang mga nakabimbing proyekto at mga programa ng wala sa panahong pagpanaw ni Secretary Jesse Robredo at asahan aniya na ipapatupad ang mga reporma at tuloy ang operasyon ng DILG.

Ito ang tiniyak kanina ni Executive Sec. Paquito Ochoa, itinalagang  officer-in-charge ng DILG ni Pangulong Benigno S. Aquino III kasunod ng pagkamatay ni Robredo sa plane crash at dalawang piloto noong Sabado.

“While we join Secretary Robredo’s family and the nation in this time of bereavement, the President felt also that it is appropriate to designate an OIC for the meantime, on a very temporary nature to ensure that the DILG is running and its service to the public is continuous,” ayon kay Ochoa .

Ayon pa kay Ochoa, ipinaiimbentaryo na niya ang mga nakabiting bagay para sa pagrerepaso sa kalagayan ng mga ito partikular ang mga  reporma ni Robredo na sinimulan na sa maraming tanggapan na nasa ilalim ng DILG.

Partikular na  tinukoy ni Ochoa ang patuloy na reporma sa Philippine National Police at Bureau of Jail Management and Penology, at ang plano nito para sa relokasyon ng informal settlers.

Inisyal na aniyang sinimulan ang pagsasama-sama ng mga pipirmahan at pag-aapruba ng administratibong sistema at logistics upang maiwasan ang pagkakaantala ng serbisyo.

Dagdag pa ni Ochoa na asahan aniya ng mga empleyado sa DILG na magiging madalas siya sa ahensiya hanggang sa makapili si Pangulong Aquino ng permanenteng maitatalaga bilang DILG chief.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply