Nag-uumpisa pa lang, sandamakmak na ang intriga!

NAGBIGAY ng reaksyon ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs na si Ging Reyes sa lobby ng Manila Hotel pagkatapos ng grandyosong selebrasyon ng ika-25 taon ng TV Patrol sa mga sinabi ni Presidente Noynoy Aquino sa kanilang programa at sa newscaster ng programa na si Noli de Castro.

“Ang sabi ko sa kanya when I went up on stage to get the photo-op after, sabi ko sa kanya, Mr. President if we can dish it out, we can take it,” panimula niya.

Personally, hindi naman daw siya nasaktan masyado sa sinabi ni PNoy para sa TV Patrol. Sanay na raw siya sa ganung pamumuna.

“But the whole team, ay, syempre alam naman natin ang mga reporter, ang media in general, ayaw naman ng ganun. Ako, personally and as the head of a news organization, wala yun. Ganun talaga, e. You can’t please everybody. Siguro lang talaga eto rin yung nakitang pagkakataon para masabi niya ang kanyang nararamdaman.
Ayaw naman daw niya na magmukha silang defensive at ayaw na rin daw niyang palakihin pa.

“We as hosts ng event, I believed that it was a very good show. It was a very, very heartfelt reunion and that it was all about. We paid tribute to our unsung heroes. Nakita naman natin ang mga behind-the-scenes people ng TV Patrol. We paid tribute to the people we covered as well as the people who watched us, the Kapamilyas na matiyagang sumubaybay sa TV Patrol sa loob ng 25 taon. That’s what this was about. It wasn’t about getting back at somebody or you know, in our case, defending ourselves against criticisms. Sabi ko nga if we can dish it out, we can take it also,” sambit ni Ging.

Tinanong naman namin kay Ging kung bakit hindi nakarating ang iba pang personalidad na naging bahagi ng TV Patrol gaya nina Mel Tiangco, Maria Ress at Luchi Cruz-Valdez.

“Inimbita namin lahat. Talagang lahat, kahit yung wala na. Ah, Luchi sent her regrets. Maria said she will try. But Maria has a news cast at 9:00 o’clock, I think, kaya medyo naalanganin siguro ang oras. May newscast siya sa online. Si Mel sent her regrets dahil ano, hindi lang sya pwede.

“Ginagalang naman namin yun. Sabi ko nga sa yo, it’s about pinagsamahan sa 25 taon at nakita naman ninyo na masaya ang tao. And it was good to bring everybody back. It’s good to, you know, to be with each other, talk again, catch up and just have a fun night,”diin niya.

Samantala, ipinagtanggol ng Queen of All Media at nakababatang kapatid ni PNoy na si Kris Aquino ang kanyang kapatid.

Ayon sa tweet ni Kris, “he (President Noynoy) has the right to defend himself & express his opinion. Freedom of speech is a 2 way street right?. Dugtong pa ni Kris, PNoy is our president & I do believe the majority of our people feel he’s doing a great job. Maybe he’s just like anybody else.
Incidentally, it’s the death anniversary ng ina nina Kris at PNoy na si fomer President Cory Aquino noong August 1. Nagkaroon ng misa nung umaga sa Manila Memorial at dumalo ang Pangulo with her sisters.

Mula sa kanyang live appearance sa morning show na Kris TV sa ABS-CBN noong Miyerkules, dumiretso ang Queen of Talk sa Manila Memorial para um-attend ng misa. And then, go naman siya sa taping ng kanyang teleserye with Robin Padilla and Anne Curtis, ang Kailangan Ko’y Ikaw.

Tatlong episodes naman ang ginawa ni Kris for Kris TV last Thursday. And the rest of the week, salang ulit siya sa pagti-taping ng Kailangan Ko’y Ikaw.

-ooOoo-

NAG-uumpisa pa lang ang bagong artista search ng TV5 ay may nakakarating na agad na intriga sa amin. Nakatanggap kami ng text message na kinu-kwestyon raw ng mga talent agent at mga magulang ng mga batang nakapasok sa final list sa kontratang pinapipirmahan sa kanila ng TV5.

Syempre we have yet to confirm ang natanggap naming mensahe at kunin ang panig ng TV5.

Pero sa ngayon, nagsimula na ang pinakamalaki at pinaka-intensive na artista search sa bansa noong July 30, ang Artista Academy na magbibigay ng totoong artistang training mula sa isang lehitimong school of television arts.

Labing-anim na finalists na may edad na 16-22 ang maglalaban-laban para sa P20M na total prizes at sa karangalan na bilang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy. Sina Cesar Montano at Marvin Agustin ang hosts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply