Naga nagluluksa sa pagpanaw ni Robredo

NAGLULUKSA ngayon ang maraming Nagueño sa hindi inaasahang pagpanaw ng kababayan nilang si Interior Secretary Jesse Robredo sa plane crash noong Sabado, Agosto 18.

Sa bahay ng mga Robredo sa Naga City, nagtipon-tipon ang mga tagasuporta at kababayan ng kalihim na hindi napigilan ang paghagulgol dahil sa pagkamatay ng dating mayor ng Naga.

Napag-alaman na mas kilala si Robredo sa tawag na “Pogi” ng kanyang mga kababayan dahil sa pagiging malapit nito sa tao.

Sa pahayag ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, narekober ang labi ni Robredo sa lalim na 180 feet dakong alas-8:15 kaninang umaga.

Ang 54-anyos na si Robredo ay itinalaga ng Pangulong Benigno Aquino III sa Gabinete noong Hulyo 9, 2010.

Si Rebredo ay nagtapos ng kursong Industrial Management Engineering at Mechanical Engineering sa De La Salle University.

Mayroon din itong masters degree sa Business Administration sa University of the Philippines-Diliman at Public Administration sa Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.

Sa edad na 29, nahalal si Robredo bilang alkalde ng Naga City noong 1988.

Kinilala ng Asiaweek Magazine ang kalihim sa kanyang trabaho para makilala ang Naga City bilang “one of Asia’s most improved cities.”

Kabilang sa mga individual awards ni Robredo ay Outstanding Young Person of the World, Outstanding Young Men of the Philippines at kauna-unahang Dangal ng Bayan awardee ng Civil Service Commission.

Noong 2000, natanggap nito ang prestihiyosong Ramon Magsaysay Award for Government Service.

Sila ng kanyang asawa na si Atty. Leni Robredo ay may tatlong anak na babae na sina Aika, Patricia at Jillian Therese.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply