Nagladlad na sa kanyang kabaklaan ang tatay ni not-so-young actor and dancer

HINDI na lingid sa kaalaman ng showbiz ang kabaklaan ng father ni not-so-young actor/dancer na gwapo. Kahit nga siguro ang ilan sa mga kaaanak ni not-so-young actor na ‘to, bokelya na ang kabadingan ni father.

Pero hindi lang nila makompronta ang nasabing tatay-tatayan ng aktor tungkol sa kanyang kasarian dahil sa pormal-pormalan naman ito kung kaharap nila ang tatay nito.

Ang latest na balita ngayon, hindi na ata napigilang lumadlad sa kanyang pagkabaklush ang nasabing father. Sa isang bayan sa norte, particular na sa may Bulacan, may isang bagets na isang tricycle driver na umano’y kinahuhumalingan ngayon nitong si father.

Bata, sariwa at makatas talaga ang bagets na taga-Bulacan kaya sobrang nahumaling ang vaklung at ng minsang nag-request ang bagets na ibili siya ng tricycle ay kaagad nitong ibinigay. (Ganuned? Hahahahahahaha! How shocking can you get! – Ed)

Sa ngayon, halos roon na naglalagi ang tatay ni not-so-young actor sa Bulacan at nakaangkas pa ito sa likod ng tricycle ng kanyang papang bagets sa tuwing namamasada ito.

Take note, ha? Wala talagang kiber si father na baklush na may makilala sa kanya lalo’t sumikat naman ang kanyang junakis na bagets noon na nakilala at nag-win sa isang avenger contest tsuk.

***

HABANG namamasyal ang tatlong milyonarya sa may Ayala Alabang na ang isa dito ay isang batikang artistang babae, naisipan ng mayamang artista na karayin ang kanyang dalawang amiga sa housing ng mag-asawang gwapo at magandang artista.

Actually, may hinahanap ang tatlong Maria sa nasabing village na isang negosyante rin na may pagkakautang sa kanila pero nabigo silang matagpuan ito, naisipan na lang nilang puntahan ang balaysung ng couple na ito.

So, nu’ng malaman ng amiga ni batikang aktres ang nasabing plano na pupunta sila sa mag-asawang artista, sobrang natuwa at lihim na napangiti ito dahil sa bukod sa gwapo at sikat ang actor na kanilang pupuntahan, sobrang kinikilig pala ang mayamang negosyante na may inisyal na TP rito.

Hindi lingid sa kaalaman ng nasabing mayamang negosyante na type na type ng kanyang amiga si gwapong aktor na planong papasok sa politika. Di pa man, pinag-usapan na nila ang balak nilang pag suporta rito pati mga gaga- miting campaign materials.

Pagpasok nila sa balaysung ng couple na ito, naratnan nilang nagmemeryenda ang mag-asawa ng tasty bread at umi-inom ng juice. Syempre, naging mainit naman ata ang pagtanggap ng mag-jowang artista sa kanilang mga bisita dahil pumayag naman si actor na akbayan at hawakan sa kamay ang mayamang negosyante na amiga ni batikang aktres habang abala itong nagpapakuha ng litrato.

Ang nakakaloka lang, ramdam na ramdam na pala ng tatlong Maria ang pagkagutom at lalo pa silang naglaway nang maabutan pa nilang ngmemeryenda ang mag-asawa.

Kaya lang, umandar na naman yata ang sobrang kakunatan ng mga ito dahil hindi man lang sila inalok at dahil dito, nagpasya na lang ang tatlong Maria na lisanin na lamang ang balaysung ng mag-asawang makunat at kasabay nito, naglaho na din ang pantasya at kilig factor ng mayamang negosyante na si TP at nagdesisyon itong ignoren at wag ng ituloy ang kanyang iniisip na suporta sa pagpasok nitong si gwapong aktor sa politika.

Hahaha! Sayang naman. Nang dahil lamang sa kakunatan ng mag-asawang artista, biglang naglaho ang ang tulong sana ni mayamang negosyante kay gwapong actor.

Mantakin mo, kahit tubig hindi man lang, hindi sila inalok? Harharhar! Hulaan mo may 1k ka sa mayamang negosyante at reyna sa may Leveriza St, Malate, Manila.

***

KAYA pala inuulan ng blessings ang White Bird ay dahil sa nagsi-share rin ang mga may-ari ng blessings sa kababayan nating mga mahihirap.

Kahit na dinikitan ng mga nakakalaban nilang gaybars sa may Roxas Boulevard (near Baclaran church Paranaque city), hindi apektado ang kanilang business.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan itong si Madam Winnie Pingol na isa sa may-ari ng white Bird sa may Sta. Ana church kung saan nagpakain sila sa mga kababayan nating mahihirap.

Humigit kumulang 300 katao ang nabiyayaan pagkatapos ng mass na isinagawa sa naiturang church ng Sta. Ana.

At sa tuwa ng mga may-aring nag-imbita sa mag-asawang boss Willie Pingol at madam Winnie Pingol, pinagkalooban pa sila ng statue ng Our Lady of Manaoag.

Samantala, ngayong August 11, 2012, Saturady night, magkakaroon na naman ng Big Event ang nasabing gay bar by way of the show entitled The WB Magic Feeling 16 at 61 in connection with the birthday celebration ni boss Willie Pingol .

Siguradong blockbuster na naman ito dahil rarampa ng walang saplot ang kanilang mga modelo at macho dancers na syang kinagigiliwang panoorin lagi ng dalawang character actress na may inisyal na EO at DD.

Kaya mga baklush, go na kayo sa white bird ngayong August 11. At para sa mga detalye, hanapin lamang si mama Greta Loka na may cellphone no. na 09217405735.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply