Nagmaltrato sa kasambahay, ipinaaaresto ni Jinggoy

IPINAAARESTO na ni Senador Jinggoy Estrada si Annaliza Marzan na nagmaltrato sa isang kasambahay matapos nitong isnabing muli ang pagdinig ng Senado.
Muling inisnab ni Marza ang ikalawang pagdinig kahapon ng Senate committee on labor na pinamumunuan ni Estrada.

Tanging ang abogado ni Marza ang dumalo sa pagdinig na si Atty. Jess Fernandez na kung saan hindi umano kapani-paniwala ang mga sinabi nito kaugnay sa kanyang kliyente.

Sinabi ni Fernandez, nasa isang ospital ang kanyang kliyente na hinimatay matapos malamang sinampahan ito ng kaso ng isang kasambahay na kanyang miltrato at pinalantsa sa mukha.

Ayon pa sa abogado, sa telepono lang umano sila nagkakausap ng kanyang kliyente kaya hindi alam kung saan ito naroroon.

Ayon kay Estrada, halata umanong nagsisinungaling si Fernandez sa kanyang mga sinabi.

Dagdag pa ng senador, lalo lang umanong pinaliliit ni Marzan ang kanyang mundo dahil pinaghahanap na rin ito ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte.

Nabatid na minaltrato ni Marzan ang kasambahay na si Bonita Baran at hindi pa ito nasiyahan, pinalantsa pa nito ang mukha ng kawawang katulong.

Matatandaang hindi dumalo sa unang pagdinig si Marzan at kahapon, inisnab na naman nito ang Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply