Naingayan sa katok: Mister tinodas ng obrero

PATAY ang isang 45-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng isang obrero na nagalit sa pag-iingay ng una kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Franciso Castaneda, may live-in partner ng Bldg., 24 Unit 407 Permanent Housing, Balut Balut, Tondo Maynila sanhi ng saksak sa tiyan.

Nakatakas naman ang supek na nakilalang si Cornelio Borinaga, Jr., 28, may live-in partner, isang obrero ng Bldg 9, 3rd floor Permanent Housing, Balut, Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang naganap ang pananaksak sa Bldg., 9 3rd floor Permanent Housing, Balut, Tondo.

Nabatid na dumalaw lamang umano ang biktima at kapitbahay na si Reichel Luciano, 20, sa isang “Tatay Pepe” sa 3rd floor ng Bldg., 9 ng nasabi ring lugar.

Paulit-ulit umanong kumakatok ang biktima subalit hindi sila sinasagot kaya nagpasya na lamang silang umalis sa lugar.

Habang naglalakad pababa ng gusali ang dalawa ay nakasalubong nila ang suspek at walang sabi-sabing sinuntok ang biktima saka sinabayan ng saksak sa tiyan.

Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit bumagsak ito sa harapan ng gusali.

Tinangka ring saksakin ng suspek si Luciano subalit nakatakbo ito.

Nang makaalis ang suspek ay muling binalikan ni Luciano ang biktima at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulsiya, posible umanong naingayan sa katok ng dalawa ang suspek kaya ito nairita at nagawang saksakin ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply