Nakabibilib si Manny!

NASAKSIHAN natin ang bayanihan ng mga Pilipino kasama ang buong barkada ng Manny Many Prizes.

Sina Paolo Contis at Gladys Guevarra, dumayo mismo sa North Fairview para magbigay ng konting saya sa ating mga Kapusong naapektuhan ng Habagat.

At hindi pa rin tayo magpapaawat pagdating sa kantahan. Tuluy na tuloy ang bakbakan ng mga Boksing-along Grande Belter Male Division. Sino ang magpapataob kanino? Ang susukat sa kanilang talento, ang mga idol natin na sina Nina, April Boy Regino at Ogie Alcasid!

Mabibiyayaan din ang ating mga bisita na maglalaro sa Easy Manny Elimination round. Lahat sila ay mula sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at lahat ay may pagkakataong manalo ng isang milyong piso!

Tara na kapuso, sabay-sabay tayong tumutok sa Manny Many Prizes ngayong Linggo, 2:45 pm pagkatapos ng Party Pilipinas!

000

Bea Binene at Barbie Forteza, malapit nang magkalapit nang husto

MATUTULOY na ang inaasahang closeness nina Bea Binene at Barbie Forteza na ‘di raw natupad noon. Real kambal kasi ang role nila sa soap na “Luna Blanca.” Magsisimula na ngayong linggo ang pagkikita nila nang madalas. Mabubuo na kasi ang kanilang pamilya. Ititira na sila ng kanilang amang si Luis (Raymart Santiago) at inang si Rowena (Camille Prats) sa isang bahay sa bayan ng San Sebastian.

Isinauli ni Linda (Gina Alajar) si Luna kina Rowena at Blanca.

Hindi akalain nina Luna at Blanca na ang special na lalaking pinag-uusapan nila ay iisa pala.

Sa kanilang pagkikita, nalaman ng kambal na iisa si Aki at Joaquin (Kristoffer Martin).

Anyway, going back to Bea and Barbie, noon daw sa set ng Tween Hearts, ‘di raw nakapag-bonding nang husto ang dalawa dahil magkaiba raw kasi ang kani-kanilang mga eksena. Pero ngayon sa Luna Blanca ay lagi na silang magkakasama sa huling buwan ng appearance ng dalawa bilang teenager na si Luna (Bea) at Blanca (Barbie).

‘Di naman maaalis sa mata ng tao na may namumuong rivalry sa dalawang top teenstar ng Kapuso Network.

Pareho na kasi silang nakapagdala ng sari-sariling soap opera na pawang isa sa kanila ang bida. Si Bea ay solo na sa Alice Bungisngis, samantalang si Barbie ay huli niya ang Ikaw Lang ang Mamahalin.

000

Karahasan sa kababaihan sisilipin sa Rescue

LABAG sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act ang pang-aabuso sa kababaihan pero bakit nga ba patuloy pa rin itong nangyayari? Ngayong Huwebes ng gabi sa reality-documentary show na Rescue kasama si Arnold Clavio, tunghayan ang dalawang kasong kinasasangkutan ng mga kababaihan na biktima diumano ng pang-aabuso sa Barangay 128 Zone 10 sa Tondo, Manila.

Una na rito ang isang ginang na binugbog raw ng kanyang mister dahil sa kalasingan. Nang matanggap ng barangay ang report, agad ipinatawag ang umano’y nanakit na lalaki pero tumanggi itong sumama dahil away mag-asawa lang daw ito na kaya pa nilang ayusin.

Pinagbigyan ng mga tauhan ng barangay ang hiling ng mister pero maya-maya pa, panibagong tawag ang natanggap ng barangay. Muli na naman daw sinaktan ni mister ang kanyang misis.Nang habulin ang mister ay agad itong suma kay sa kuliglig! Sa bahay, tumambad sa rescuers ang babaeng duguan ang noo at may ilang pasa sa mukha at braso. Maparusahan pa kaya ang itinuturong may gawa ng pang-aabuso?

Samantala, isang kaso naman ng attempted rape ang idinulog ng isang babae sa parehong barangay. Ayon sa kanya, sinubukan siyang pagsamantalahan ng kanilang kapitbahay. Ang itinuturong may sala, dumiretso naman sa tanggapan ng barangay hindi para umamin kundi para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Paano nga ba hinaharap ng mga kawani ng barangay ang ganitong mga kaso para mabigyang hustisya ang mga biktima oras na mapatunayang nagkasala ang mga salarin?

Huwag palalampasin ang Karahasan sa Kababaihan sa Rescue kasama si Arnold Clavio tuwing Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply