Nakasusulasok na usok

PATAY o namayapa na ang uragon na si DILG Sec. Jesse Robredo.

Pero habang nakahimlay siya, lumalabas naman ang sari-saring alingasngas ukol sa kanya.

Hindi masama dahil tila mabubuting bagay naman ang mga ito.

Problema nga lang kung sa susunod na mga araw ay kasiraan naman niya ang maglabasan.

Diyan na magkahetot-hetot ang lahat.

oOo

Dumagdag tayo sa nakakita ng mahalagang ginawa ni Sec. Jesse noong nabubuhay pa siya.

Sa hanay ng mediamen, nagpapasalamat tayo sa kanya sa pagsuspinde niya sa gobernador ng Kalinga na lumusob at nanuntok sa isang brodkaster mismo sa loob ng istasyon ng radio sa Tabuk, Kalinga.

Mga buwan din ang lumipas bago ang suspensyon dahil dumaan muna ang kaso sa mariing pagdinig o paglilitis na administratibo.

Ang mahalaga rito ay umaksyon siya noon sa reklamo ng mga batang media.

Nagbigay si Sec. Jesse ng ehemplo sa mga lokal na opisyal.

Isang leksyon ang “huwag maging balat-sibuyas sa  mga  lehitimong  puna  o reklamo  ang mga  lokal  na opisyal.”

Higit pa, dapat na huwag ilagay ng mga lokal na opisyal sa sarili nilang mga kamao o kamay ang kapalaran ng kanilang mga nasasakupan, kabilang na ang mga pumupuna.

oOo

Meron lang tayong napapansin, Suki.

May mga nagpapansin na para pumalit kay Sec. Jesse.

Kung seryoso ang mga yan na maglingkod nang tapat kay Juan, oki lang sa atin.

Pero magiging usok na nakasusulasok ang sisingaw kung pupulitikahin nila ang DILG.

Malapit na kasi ang halalan, neks yir na.

Tiyak namang may magkakainteres na kumontrol sa lahat ng mga gobernador, meyor, kapitan at iba pang lokal na opisyal para bumoto ang mga ito sa kanila o manok nila sa halalang 2013.

Yaaakkk!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply