Nakawan sa Camp Aguinaldo naimbestigahan na ng SOCO

NAKAKUHA na ng fingerprints ang scene of the crime operatives (SOCO) ng PNP sa pinangyarihan ng nakawan sa Kampo Aguinaldo partikular sa utility barracks ng White House, ang official residence ng AFP chief of staff.

Ang nasabing fingerprints ay isasailalim na sa kaukulang matching para matukoy ang responsable sa panloloob.

Una nang inihayag ng AFP na 20 sundalo ang isinailalim sa imbestigasyon kaugnay ng pagkawala ng ilang mahahalagang bagay sa White House na kinabibilangan ng laptop, tablet at netbook.

Paniwala ng PNP na kaso ng inside job ang nangyari.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply