Nangyari kay Robredo maging aral sa iba – JPE

IGINIIT ni Senate President Juan Ponce Enrile na magsilbing aral sa mga opisyal ng pamahalaan ang naganap na trahedyang kinasasangkutan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robrero.

Ito ang naging pahayag ni Enrile makaraang mabalitaan nito na dati nang nagkaroon ng aberya ang eroplanong sinakyan ng grupo ni Robredo na bumagsak sa Masbate kamakalawa ng hapon.

Anang senador, dapat maging sensitibo ang mga opisyal ng gobyerno kapag nagkakaroon ang mga ito ng biyahe at siguruduhin ang kondisyon ng eroplano o anumang uri ng sasakyan na kanilang gagamitin.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Enrile na may milagro at dalangin na makaligtas pa rin si Robredo kahit maliit na ang tyansa ng kaligtasan habang tumatagal ang oras ng rescue operation.

“I was praying for Jessie. I know how it is, when you are a member of the cabinet and you have to do your duty. What I cannot understand is why he used a light plane to travel at night,” ani Enrile.

Hindi rin umano alam ng senador kung sino ang adviser ng DILG.

Ayon pa kay Enrile, noong cabinet member siya, sinisigurado niyang maayos ang lagay ng eroplano niyang gagamitin.

“When I was at the cabinet, I have to be sure I use a plane that is adequate to the purpose you don’t have to travel a propeller driven plane, it is not advisable.. you cannot credit the weather in this country..nadaanan ko lahat  yan propeller piston driven engine- it cannot fly over 7,000 miles.  When I was DND  secretary, when the airplane dance on the air like a kite, it is not advisable, using a helicopter, you should have not use a helicopter, now it happened,” ani Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply